Pagsusuri sa Florante at Laura Jo-Rujan Claire Alicer Mayroong apat na himagsik si Francisco Baltazar (o kilala ring Francisco Balagtas) sa akdang pampanitikan na Florante at Laura. Isa sa mga himagsik na ito ay ang himagsik laban sa maling kaugalian. "Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha't may pakitang giliw, lalong pag-ingata't kaaway na lihim siyang isaisip na kakabakahin." (246) Sa pamamagitan ng pagiging mapagpakumbaba at sa masayang mukha at pakitang giliw ay nagawa ni Konde Adolfo na pagkatiwalaan siya ni Florante. At dahil sa haba ng panahon na pamamalagi ni Florante sa Atenas ay nahigitan niya si Konde Adolfo. At dahil sa inggit, ito ay nagdulot kay Adolfo na hilain pababa si Florante. Ang ugaling ito ay ugali ng mga Pilipino na kapag ang kapwa nila Pilipino ay umangat sa buhay ay pag-iisipan nila itong gawan ng masama at hihilain pababa, ito ay kilala ring crab mentality.